Ang blog na ito ay para sa pagbibigay-diin sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino. Lubhang napakamahalaga ng kultura at tradisyon sa atin sapagkat ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating pagkatao. Nawa'y makatulong sa inyo ang blog na ito upang mas maitatak ang tunay na importansya ng kulturang Pinoy.
Maligayang pagdating!
Maligayang pagdating!
Ano nga ba ang Kultura ng Pilipinas?
Ang pananakop ng mgaKastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.(source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas)