Muli nating tanawin ang nakaraan, ang pinagmulan ng kasalukuyan. Sa paraang ito, hindi tayo maaring lumimot sa mga kontribusyon at pamana ng ating mga ninuno. Ang pagkakakilanlan sa mga Pilipino at syempre ang naiibang kultura't tradisyon na nagsisislbing pundasyon ng ating lipunanan ay napakamahalagang salik ng ating pagka-Pilipino. Ngunit kung wala kaya sila, paano na tayo?
Sabihin nating tayo ay nakatira sa isang bansang hindi kilala sa tawag na "Pilipinas" , isang bansang nasa ilalim ng kontrol ng ibang nasyon, at isang bansang walang maipagmamalaking tradisyon at kultura. Sobrang nakakalungkot sapagkat siguradong wala tayong kalayaan. Ang mga ito ang siyang nagsisilbing dahilan kung bakit natin lubos na ginagalang ang nakaraan at ang mga dakilang bayani na nagtaguyod ng isang magandang bukas para sa susunod na salinlahi. Ngunit sa panahon ngayon, tila unti-unti ng binabaon sa limot ang mga kultura at tradisyon na katumbas na ng hindi mabilang na salapi.
Ang pagsasabi ng po at opo ay minsan mo na lamang marinig sa mga bata, ang hiya na isang panlipunang kaugalian ay natatabunan na ng kawalan ng utang ng loob gaya na lamang ng ating mga lider na winaldas lamang ang pondo ng bayan at syempre, ang pagtutulungan sa ating nasyon ay tila kasinlabo pa ng mata ng isang matanda, magulo walang tigil ang "rally" at batuhan ng akusasyon sa pamahalaan.
Hiniling ng nakaraan na maging isang susi ng pagbabago ang kasalukuyan upang maging gabay ng bukas tungo sa isang malawakang pagbabago. Mataas ang ating pagtingin sa nakaraan, ngunit ang nakaraan naman kaya ay magawang ipagmalaki ang kasalukuyan? Magagawa kaya nating itaas ang ating noo at pilling sumulo sa halip na magpakulong sa limot at kawalan ng pagpapahalaga?